Friday, January 29, 2016

MAMILI KA , KABIT O PAMILYA?




Hanggang ngayon, hindi ko talaga maisip at maintindihan kung bakit yung iba, sumusuporta sa mga kabit o kaya sa bawal na relasyon?

Ano bang meron sa bawal na relasyon? Ano bang masarap at ano bang naitutulong nito sa buhay ng mag-asawa at sa pamilya?
Sa mga bawal na relasyon, andun ang takot, na baka mahuli ng asawa, andun ang takot na baka makulong,matanggal sa serbisyo, husgahan ng karamihan at baka, mapatay ng kinakasamang asawa o ng kapamilya ng asawa?

Lawakan natin ang ating kaisipan, dahil ba, mas masarap kuno ang " kabit"? Dahil ba mas sexy sila,may pinag-aralan,mas mayaman, mas magaling gumiling sa kama, marunong makipagsosyalan, marunong mag-alaga. marunong sa lahat pati ang magatago ng relasyon sila ang magaling?

Ganyan ba ang gusto natin sa buhay? Nagtatago, parang hinuhunting ng kahit sino, " ang kabit ay parang Kriminal, bakit daw, hindi hintayin na maannul bago makipagrelasyon?"

Kailanman ay hindi ko pinangarap na maging katulad sa sinasabi nilang kabit, ayokong manghusga pero kahit ganun pa man, hindi natin maalis sa ating pagkatao na iispin kung anong tama o mali, anong nararapat at hindi.

Nasan na ba ang mga pangako? Mga pangakong habambuhay na magsasama, sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya? Nasan na ang sinumpaan natin sa Diyos noong ikinasal ang dalawang pusong nagmamahalan? Kung sa isang talikod at tingin lang, kakalimutan na kaagad ang sinumpaan. Kung sa pag-alis mo, ay ayaw mo ng balikan ang iyung iniwan. Ganyan ba kadali sa kanila, ang iwanan ang pamilya at sirain ang mga kinabukasan ng mga anak at isipin ang tawag ng kanilang laman.

Binibigyan nyo ng pera, pinapaalis kapag may kausap kayo sa cp,kahit gusto lamang nila ay kunting panahon at atensyon? Balewala sila sa inyo, dahil busy kayo sa karelasyon niyo, busy kayo sa textmate niyo at kung hindi man, andun nakikipag-inuman o nakikipatsismisan, Kung hindi niyo kayang manindigan bilang magulang, WAG kayong mag-asawa at magkaanak.

Bakit ang daming galit sa mundo.bakit madaming sirang pamilya? Bakit yung mga babaeng nagdadalaga, nabubuntis kaagad, bakit yung iba,nagdadrugs? Eh, kasi kulang ng pagmamahal ng magulang, paano nila maramdaman, kung kahit kunting pagmamahal hindi mo maibigay, dahil, imbes sa kanila mapunta, andun sa kerida o sa kabit mo napupunta. Huwag mong sisihin ang pagkakataon, dahil walang biktima ng pagkakataon, TAO ka may ISIP AT PUSO, ALAM ANG TAMA AT MALI, AT HINDI KA HAYOP O ROBOT PARA HINDI MAKARAMDAM.

Hindi mo ba naiisip ang maging epekto nito sa pamilya mo? Sinasaktan mo asawa mo, kung hindi mo kayang pagtaasan ng kamay ang mahal mo, mas sinasaktan mo siya sa mga salita mo, at kung natatapat ka sa demonyong pag-iisip, binubugbog mo dahil may iba ka na. Nasan ba ang sinumpaan niyo? Sinumpaan nyo bang suntukin at pagtaasan ng kamay ang kabiyak mo,o sinumpaan niyo bang lokohin siya at bigyan ng sama ng loob. Hindi nakaktulong sa mga anak ang makitang nag-aaway ang mga magulang, lalo na ang saktan at paiiyakin ang kanilang ina. Anong iisipin nila, anong matutunan nila, puro poot at paghihigante.

At sa mga babae naman na kumabit, kahit may asawa na, isipin niyo naman ang dignidad at dangal niyo? Anong mukha ang ihaharap niyo sa asawa at anak niyo? Paano natin paninindigan ang pagiging ilaw ng tahanan, kung mismo sa sarili mo, ang dilim ng tinatahak mong daan, at kailangan mo pang pagpayuhan.

Kung gawain mo yan, nakakatulog ka kaya ng mahimbing? Nagkakaroon ka kaya ng peace of mind, o andun, deadma mo na lang ang lahat dahil ayaw mo ng umalis sa putikan at sanay ka na. Nasan ba ang Diyos mo, Nasan ba ang puso at konsensya mo? Ipagpalit mo ba ang pagktao mo dahil lamang sa bawal na relasyon na yan? AT kung mamatay ka, anong ala-ala ang iiwan mo, bilang isang kabit, bilang isang mang-aagaw,kawawa ka naman. Mas nararapat ka na mamuhay ng masaya at walang pinoproblema, mas may maganda at buong pamilya at hindi nagtatago ng kahit saan.

Huwag tayong makisabay sa uso, huwag tayong basta na lang magpadala sa tukso, ang TUKSO ay andiyan yan palage, kung may respeto ka at pagmamahal sa sarili mo, hindi ka gagawa ng mga bagay na makakasira nito, hindi mo ipagpalit ang asawa, pamilya at mga anak mo sa bago mo lang kakilala, dahil kapag magkasakit at ,amatay ka, uuwi ka din sa pamilya, hindi sa kabit at kirida.

KAYA MAMILI KA , KABIT O PAMILYA?

MAGKAKAPATID

Isang gabi sa isang Military Hospital may isang Tatay ng sundalo na matagal ng nag aagaw buhay sa sakit na Cancer. Hinihintay nya nalang ang pagdating ng anak nyang nadistino sa malayo bago sya tuluyang mamahinga. Laking tuwa ng Ama nang makita nya ang sundalo na nakauporme pa at bitbit ang duffle bag. Sa unang pagkakataon inipon lahat ng Ama ang lakas para tawagin ang sundalo papalapit sa kanya kasi dahil na din sa Medication nya naapektuhan na ang kanyang paningin at pagsasalita. Nang makatabi na nya ang sundalo hinawakan lang ng Ama ang kamay sundalo habang napaluha sa saya at pagkasabik sa anak.
Lumipas ang ilang oras tiniis ng sundalo na maupo sa tabi ng matanda. Ilang Nurses na rin ang napadaan andun lang ang sundalo nakabantay sa matanda hindi nya anlintana ang ingay ng mga Nurses sa Lobby at ingay ng ibang pasyente sa kabilang mga kwarto. Nakaupo lang ang sundalo sa madilim na kwarto at tanging ang tunog lang ng patak ng dextrose ang naririnig nya.


Pagsapit ng umaga tuluyan ng namahinga at namatay ang matanda na masaya at kuntento kasi namatay sya sa kamay ng sundalo. Pagpasok ng nakaduty na Nurse nakiramay ito sa sundalo. NAKIKIRAMAY AKO SA TATAY MO SIR AT SALAMAT SA PAG UPO AT PAGBANTAY MO SA KANYA BUONG MAGDAMAG. Napayuko ang sundalo at nagtanong. WAG MO PO SANANG MAMASAMAIN MAAM SINO PO BA SYA? Nabigla ang Nurse at sumagot. AKALA KO SIR TATAY MO SYA?

Sumagot ang sundalo. HINDI KO SYA TATAY AT HINDI KO SYA KILALA PERO ALAM KO ANG NARARAMDAMAN NYA AT ALAM KONG MAPAPASAYA KO SYA SA HULING MGA ORAS NG NALALABING BUHAY NYA KAHIT HINDI MAN NAKARATING ANG ANAK NYA. Napaluha ang Nurse at nagtanong ulit. PERO SIR BAKIT NYO NATIIS NA MAUPO NG MAGDAMAG?. Bago umalis ang sundalo sa kwarto ay sinabihan nya ang Nurse. KASI MAAM PAGPASOK KO SA ARMY LAHAT KAMI NAGING MAGKAKAPATID NA GINAWA KO LANG DAPAT GAWIN NG ISANG KAPATID NA SUNDALO....


Magigiting na mga Kawal