Friday, January 29, 2016

MAGKAKAPATID

Isang gabi sa isang Military Hospital may isang Tatay ng sundalo na matagal ng nag aagaw buhay sa sakit na Cancer. Hinihintay nya nalang ang pagdating ng anak nyang nadistino sa malayo bago sya tuluyang mamahinga. Laking tuwa ng Ama nang makita nya ang sundalo na nakauporme pa at bitbit ang duffle bag. Sa unang pagkakataon inipon lahat ng Ama ang lakas para tawagin ang sundalo papalapit sa kanya kasi dahil na din sa Medication nya naapektuhan na ang kanyang paningin at pagsasalita. Nang makatabi na nya ang sundalo hinawakan lang ng Ama ang kamay sundalo habang napaluha sa saya at pagkasabik sa anak.
Lumipas ang ilang oras tiniis ng sundalo na maupo sa tabi ng matanda. Ilang Nurses na rin ang napadaan andun lang ang sundalo nakabantay sa matanda hindi nya anlintana ang ingay ng mga Nurses sa Lobby at ingay ng ibang pasyente sa kabilang mga kwarto. Nakaupo lang ang sundalo sa madilim na kwarto at tanging ang tunog lang ng patak ng dextrose ang naririnig nya.


Pagsapit ng umaga tuluyan ng namahinga at namatay ang matanda na masaya at kuntento kasi namatay sya sa kamay ng sundalo. Pagpasok ng nakaduty na Nurse nakiramay ito sa sundalo. NAKIKIRAMAY AKO SA TATAY MO SIR AT SALAMAT SA PAG UPO AT PAGBANTAY MO SA KANYA BUONG MAGDAMAG. Napayuko ang sundalo at nagtanong. WAG MO PO SANANG MAMASAMAIN MAAM SINO PO BA SYA? Nabigla ang Nurse at sumagot. AKALA KO SIR TATAY MO SYA?

Sumagot ang sundalo. HINDI KO SYA TATAY AT HINDI KO SYA KILALA PERO ALAM KO ANG NARARAMDAMAN NYA AT ALAM KONG MAPAPASAYA KO SYA SA HULING MGA ORAS NG NALALABING BUHAY NYA KAHIT HINDI MAN NAKARATING ANG ANAK NYA. Napaluha ang Nurse at nagtanong ulit. PERO SIR BAKIT NYO NATIIS NA MAUPO NG MAGDAMAG?. Bago umalis ang sundalo sa kwarto ay sinabihan nya ang Nurse. KASI MAAM PAGPASOK KO SA ARMY LAHAT KAMI NAGING MAGKAKAPATID NA GINAWA KO LANG DAPAT GAWIN NG ISANG KAPATID NA SUNDALO....


Magigiting na mga Kawal

No comments:

Post a Comment