Thursday, June 25, 2015

"Sa Aking Paglisan"



Handog para sa FALLEN SAF 44

Sa aking paglisan
ikaw ang nais mahagkan
ang pag-ibig ko na tapat
sayo lang nakalaan

Ang mga halik at yakap mo
sa akin ay bumubuo
siyang nagbibigay lakas
upang ako'y wag sumuko

Sa aking paglisan
babakahin ang kalaban
buong loob na makikipaglaban
para sa inang bayan

Di alintana
mga peligrong haharapin
makamit lamang
kapayaan na ipinaglalaban

Sa aking pagbabalik
nais ko muling masilayan
ang matamis mong ngiti
at hagkan ka sa matatamis na sandali

At kung akoy hindi palarin
at kunin na ng maykapal
wag kang malulumbay
sapagkat nandito parin ako sayo nakasubaybay.






" HINDI SAYANG"




Isang araw habang nasa patrolya ng biglang nagka encounter. Habang nasa posisyon na ang tropa nakita ng isang sundalo ang matalik nyang kaibigan na tinamaan at naiwan sa gitna kung saan sentro ang kanyang kaibigan sa putok ng mga kalaban. Kaya nagpaalam ang sundalo sa platoon leader niya kung pwede ba nyang balikan at kunin ang kaibigan nya. Sinabihan sya ng Opisyal na "Oo pwede pero SAYANG lang ang buhay mo kung isusugal mo pa sa pagligtas ng kaibigan mo kasi malamang patay na ang kaibigan mo" 


Pero hindi natinag ang sundalo at tinuloy nyang puntahan ang kaibigan sa harap kung saan matindi ang putukan at himalang nadala nya nga ito pabalik sa kanilang posisyon sa kabila ng mga tama nilang pareho. Habang tinitignan ng Opisyal ang tama nya at ang kanyang kaibigan sinabihan ulit sya ng Opisyal na "Sabi ko na sayo SAYANG lang kasi patay na ang kaibigan mo at ikaw malala ang tama",.. 
Napangiti ang sundalo at sumagot sa kanyang Opisyal "Hindi po SAYANG sir kasi tamang tama lang yung dating ko at buhay pa ang kaibigan ko at nagkaroon pa ako ng panahon na masabihan nya na SALAMAT BUDDY ALAM KONG BABALIKAN MO AKO"

Wednesday, June 17, 2015

Buhay Sundalo


Bilang asawa ng sundalo, isipin po natin kung ano ang tungkulin natin sa kanila. Sometimes we lost our temper dahil sa negatibo nating nababalitaan galing sa iba, nadadala tayo sa mga emosyon na dapat hindi natin nararamdaman. I was once a paranoid, palage akong nagagalit at nagseselos pero noong nakita ko ang hirap ng sitwasyon ng mga sundalo sa kabundukan, kumikirot ang dibdib ko. Noong nakikita ko na kumakain lang sila ng sardinas, okra at kahit ano pang pagkain na mapapakinabangan sa kabundukan nasabi ko sa sarili ko maswerte nga tayo dahil makuha pa nating kumain ng lechon, ice cream at masasarap na pagkain, pero ang sundalo, saka na pagkababa bago makatikim ng EAT ALL YOU CAN.

Marami sa kanila, ang bilis nahuhusgahan ng karamihan, ang dali kasi ng iba magbitiw ng salita, kesyo sundalo, babaero na. Isipin nyo, nagsasakripisyo ang mga sundalo, nagbubuwis buhay para sa bayan, iniiwan ang pamilya para pagsilbihan ang iba, ang atm nyan nasa pamilya o kaya naman nasa asawa nila. Minsan, wala ng matira sa kanila dahil kahit SA at CC sa Pafcipic nila, hinahawakan pa ng asawa dahil kulang pa sa gastusin sa bahay at sa mga anak nila. Ano pa ba ang maibibili ng sundalo nyan kung kahit pati kakarampot na SA nya ay hindi nya nahahawakan?

Sa buwanang sweldo ng sundalo, kapalit nyan ay 24 hours duty,minsan nag-ooperate pa sila sa kabundukan at pwede silang masawi sa bakbakan, minsan, kahit bagyo at ulan ay tuloy pa rin ang kanilang pagtulong sa kapwa dahil yan ay kanilang sinumpaan.
Tama kayo, snappy tingnan kapag naka-BDA ang sundalo, pero sa likod ng unipormeng yan ay ang sakripisyo,ang dakilang pagkatao at ang mga anino ng naghihintay na pamilya nila sa probinsya o sa kanilang sariling pamamahay.

Kaya sana kung maari lang, respetuhin nyo din naman ang mga kawal natin sa Hukbong Sandatahan, dahil sa likod nila ay meron yan mga pamilya na sumusuporta at nagmamahal sa kanila ,naghihintay kung kailan sila makakauwi at umaasang makakasama silang muli kahit sandali.

Sa mga gf,fiance at asawa ng sundalo, be proud dahil ikaw ang napili at ikaw ang pinagkatiwalaan ng isang kawal Pilipino at be brave dahil kasama ka din na magsakripisyo para sa bayang eto.^__^



SELOS

Ano nga ba ang saysay ng selos?

Well sa panahon ngayon hindi natin maipagkakaila na marami pa din ang seloso/selosa sa mundo, pero ano nga ba talaga ang takbo ng utak ng mga taong nagseselos?

Kadalasan sa buhay hindi maiiwasan ang selos sa kahit anong bagay, mapa-pamilya, kapatid, kaibigan o kasintahan man yan. Pero minsan eto din ang nagiging sanhi ng away at samaan ng loob. Ano ba ang mga iniisip kadalasan ng mga taong nag seselos?

UNFAIR - Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit may mga nagseselos. Ang pagiging unfair ng isang tao sa kanilang kakilala, kapamilya o kasintahan. Ung kunwari hindi pantay o may hindi napupunan ung isa sayo

SELFISH - Ang mga taong gusto sakanila lang, at ayaw na ayaw ng may kahati o karamay sa isang bagay o attensyon ng isang tao .

ATTENTION - Eto naman ung mga taong nais mapunta sakanila ang attensyon ng lahat ng hindi mo malaman ang pinaka dahilan

Ngunit ano man ang takbo ng isip ng isang tao sa tuwing nag seselos ito ay hindi mo maiiwasan dahil bawat tao ay may sariling takbo ang pag iisip. Mahirap diktahan at paliwanagan ang isang tao lalo na’t kung may pinaniniwalaan na sya sa kanyang isipan. Didipende na rin un sa tao kung lalawakan nya ang kanyang pang unawa sa tuwing nagpapaliwanag ka sakanya sa bagay na ikinaseselos nya.

Mali rin naman kung pangungunahan mo ng selos ang isang bagay kung hindi mo naman talaga alam ung tunay na kwento sa bagay na iniisipan mo ng hindi maganda .

ASAWA NG SUNDALO,HANGGANG SAAN ANG TAPANG MO?


Kung mahirap ang pagsusundalo, mas mahirap ang maging asawa ng sundalo. Alam nyo kung bakit?

Pagkatapos mong ikasal sa minamahal mo, maghihiwalay na kayo. Hindi mo man lang matitkman ang buong buwan na honeymoon, kasi kung nakaRNR asawa mo hanggang 20 days lang ang ibibigay na passes o break. Bawat sandali ay mahalaga, dahil baka sa pag-alis nya hindi na sya babalik pa.

Walang sinuman ang may gusto na mapapalayo sa minamahal lalo na sa kabiyak, pero yan ang sinasabing, katotohanan na dapat mong tanggapin, bilang asawa ng sundalong tapat na naglilingkod sa bayan.
Akala nila, ang sarap2x ng buhay ng mga asawa ng sundalo, meron pa akong naririnig na parang seniorita daw ang asawa, may pension kada buwan dahil may buwanang tinatanggap na sahod, sa LANDBANK NA ATM. Pero yan ang katotohanan na kailanman ay hindi ko masasabing sapat na. Paano kung ang asawa mong sundalo ay may ginagastusan pang mga kapatid, may tinutulungan pa na pamilya, maalis mo ba sa kanya ang malaking responsibilidad, maatim mo bang makita na hindi nakapagtapos ang mga kapatid nya?

May mga panahong, gusto mong may makausap, gusto mong may mapagsabihan sa problema mo, gusto mong iyakan dahil pagod ka sa trabaho mo o may nang-api sayo, gusto mong yakapin at matulog sa kanyang mga bisig pero nasaan siya, NASA MALAYO, nakikipag-away sa mga kalaban sa gobyerno, binubuwis ang buhay para sa bayan,nasa kabundukan, walang sapat na tulog,walang sapat na pagkain, minsan, hindi pa naliligo, nababasa sa ulan at minsan, nagkakasakit dahil sa sobrang pagod, pero kahit ganun ang kanilang nararamdaman, hindi pa din nila sinasabi, dahil ayaw ka nilang mag-alala, dahil ayaw nilang mag-isip ng kung ano-ano?

Ang hirap, minsan, naiiyak ka na lang sa isang tabi, dahil naalala mo ang mga masayang sandali na magkasama kayo, at yun ang tanging binabalikan mo dahil sa sobrang miss na miss mo na sya.
Pero ang mas mahirap, sa tuwing magbubuntis ka,wala ka man lang makasama magpunta sa doctor, wala man lang mag-aalaga sayo at ibigay ang mga pagkain na pinaglilihian mo, wala man lang sasama sayong bumili ng mga gamit ng sanggol na nasa sinapupunan mo at hanggang sa magluwal ka sa anak nyo ay wala siya sa tabi mo. Dadanasin mong mag-isa, dahil ,WALA SIYA, AT NASA SERBISYO,NASA MALAYO. Hindi mo man lang makausap dahil kasalukuyang nag-ooprate sa kabundukan.

Pero kinakaya mo pa rin ang lahat, kahit mag-isa ka, dahil naniniwala ka sa pagmamahalan niyo sa isat-isa at dahil binubuo nyo ang pangarap nyong dalawa.

Paano kung magkasakit si baby, nasan siya? wala na naman, gustuhin man niyang umuwi pero bawal, dahil meron silang " ORDER" na sinusunod. Isang pagkakamali lang ay puwede na syang matanggal sa kanyang tungkulin at mawala lahat ng pangarap niya.

Pero ang pinakahamahirap sa lahat, kung matukso ang pinakamamahal mong asawa, nakuhang makipagrelasyon sa iba,dahil sa isang dahilan na malayo ka, dahil hindi mo maibibigay kaagad ang gusto nya, dahil malayo kayo sa isat-isa, at may babaeng gustong pumalit sa puwesto mo at inaalagaan sya.
Kahit anong tanong mo sa sarili mo at sa kanya,kung anong naging pagkukulang at pagkakamali mo, sasagutin ka lang ng " SORRY TAO LANG, NAGKAKAMALI, HINDI KO ALAM BAKIT NANGYARI, MAPAPATWAD MO BA AKO"...?
Syempre, dahil mahal mo,at may anak kayo, at ayaw mong masira ang pamliya nyo, patawarin mo, pero ang isang tiwala na nasira ay hindi na maibabalik pa sa dati at ang isang pagmamahal na nababahiran ng isang kasalanan ay hindi na kailanman magiging buo, Paano na kung ang isang babaeng umagaw ng atensyon nya, ay sunod ng sunod sa inyo, guguluhin ang buhay nyo, hanggang masira eto? diba, hindi madali...sobrang sakit, dahil, ang nangyari ay parang isang bangungot na sumusunod sayo at hindi ka pinapatulog ng mahimbing.

Eto pa ang mas masakit, ang malaman sa balita na napatay ang asawa mo sa bakbakan, o kaya inambush, inubduct at pinugutan ng ulo ng mga kalaban o kaya pinaulanan ng bala ang buong katawan . Walang kasing sakit, habambuhay na hinagpis, ineexpect mo na makabalik sa bahay,mayakap, makausap, kailanman ay wala ng panahon, wala ng chance, Sapat ba ang bandila kapalit ng isang buhay, sapat ba ang insurance ,pension o anu pang benipisyo kapalit ng buhay na nalagas. Kailan man ay hindi,kailanman ay hindi matutumbasan ng pera ang buhay ng isang tao.... Kahit sabihin man nilang isang bayani ang asawa mo, kahit nakakagaan sa kalooban mo pero hindi maalis sa sarili mo, na wala na siya,wala na ang pinakamamahal mo, at itataguyod mong mag-isa ang iyung pamilya habambuhay....

Kaya sa lahat ng asawa ng sundalo,kasintahan ,fiance, -kailangan na maintindihan mo ang buhay na pinasok mo at ang trabaho ng kabiyak mo,kailangan magpakatatag tayo para sa ating mga pangarap, sa pagmamahal at pagsupurta sa ating minamahal na kawal, kung kinakailangan na dodoblehin natin ang ating sarili para iparamdam sa kanila ang ating pagmamahal ay gagawin natin, hindi lang sila kukunin satin, lalo na sa mga taong,gustong agawin ang mga bagay na pagmamay-ari na natin.

At sa lahat ng sundalo at mga taong nagseserbisyo sa gobyerno. Alagaan niyo sana ang inyong mga sarili at mahalin ang inyung mga asawa, mga taong andiyan para kayoy damayan hanggang kamatayan. Mangingibabaw nawa ang pagmamahalan, pagkakaintindihan, pagtitiwala, pagpakumbaba at pananalig sa Diyos sa puso ng bawat isa...

KUNG NAINTINDIHAN MO, PWEDE MONG ISHARE SA MGA KAKILALA MO PARA MAINTINDIHAN KA DIN NILA.

SALUTE TO MILITARY WIVES and MILITARY SWEETHEARTS WHO STAND BESIDE THEIR SOLDIER....