Ano nga ba ang saysay ng selos?
Well sa panahon ngayon hindi natin maipagkakaila na marami pa din ang
seloso/selosa sa mundo, pero ano nga ba talaga ang takbo ng utak ng mga
taong nagseselos?
Kadalasan sa
buhay hindi maiiwasan ang selos sa kahit anong bagay, mapa-pamilya,
kapatid, kaibigan o kasintahan man yan. Pero minsan eto din ang nagiging
sanhi ng away at samaan ng loob. Ano ba ang mga iniisip kadalasan ng
mga taong nag seselos?
UNFAIR - Yan ang isa sa mga dahilan kung
bakit may mga nagseselos. Ang pagiging unfair ng isang tao sa kanilang
kakilala, kapamilya o kasintahan. Ung kunwari hindi pantay o may hindi
napupunan ung isa sayo
SELFISH - Ang mga taong gusto sakanila lang, at ayaw na ayaw ng may kahati o karamay sa isang bagay o attensyon ng isang tao .
ATTENTION - Eto naman ung mga taong nais mapunta sakanila ang attensyon ng lahat ng hindi mo malaman ang pinaka dahilan
Ngunit ano man ang takbo ng isip ng isang tao sa tuwing nag seselos ito
ay hindi mo maiiwasan dahil bawat tao ay may sariling takbo ang pag
iisip. Mahirap diktahan at paliwanagan ang isang tao lalo na’t kung may
pinaniniwalaan na sya sa kanyang isipan. Didipende na rin un sa tao kung
lalawakan nya ang kanyang pang unawa sa tuwing nagpapaliwanag ka
sakanya sa bagay na ikinaseselos nya.
Mali rin naman kung
pangungunahan mo ng selos ang isang bagay kung hindi mo naman talaga
alam ung tunay na kwento sa bagay na iniisipan mo ng hindi maganda .
No comments:
Post a Comment