Wednesday, June 17, 2015

ASAWA NG SUNDALO,HANGGANG SAAN ANG TAPANG MO?


Kung mahirap ang pagsusundalo, mas mahirap ang maging asawa ng sundalo. Alam nyo kung bakit?

Pagkatapos mong ikasal sa minamahal mo, maghihiwalay na kayo. Hindi mo man lang matitkman ang buong buwan na honeymoon, kasi kung nakaRNR asawa mo hanggang 20 days lang ang ibibigay na passes o break. Bawat sandali ay mahalaga, dahil baka sa pag-alis nya hindi na sya babalik pa.

Walang sinuman ang may gusto na mapapalayo sa minamahal lalo na sa kabiyak, pero yan ang sinasabing, katotohanan na dapat mong tanggapin, bilang asawa ng sundalong tapat na naglilingkod sa bayan.
Akala nila, ang sarap2x ng buhay ng mga asawa ng sundalo, meron pa akong naririnig na parang seniorita daw ang asawa, may pension kada buwan dahil may buwanang tinatanggap na sahod, sa LANDBANK NA ATM. Pero yan ang katotohanan na kailanman ay hindi ko masasabing sapat na. Paano kung ang asawa mong sundalo ay may ginagastusan pang mga kapatid, may tinutulungan pa na pamilya, maalis mo ba sa kanya ang malaking responsibilidad, maatim mo bang makita na hindi nakapagtapos ang mga kapatid nya?

May mga panahong, gusto mong may makausap, gusto mong may mapagsabihan sa problema mo, gusto mong iyakan dahil pagod ka sa trabaho mo o may nang-api sayo, gusto mong yakapin at matulog sa kanyang mga bisig pero nasaan siya, NASA MALAYO, nakikipag-away sa mga kalaban sa gobyerno, binubuwis ang buhay para sa bayan,nasa kabundukan, walang sapat na tulog,walang sapat na pagkain, minsan, hindi pa naliligo, nababasa sa ulan at minsan, nagkakasakit dahil sa sobrang pagod, pero kahit ganun ang kanilang nararamdaman, hindi pa din nila sinasabi, dahil ayaw ka nilang mag-alala, dahil ayaw nilang mag-isip ng kung ano-ano?

Ang hirap, minsan, naiiyak ka na lang sa isang tabi, dahil naalala mo ang mga masayang sandali na magkasama kayo, at yun ang tanging binabalikan mo dahil sa sobrang miss na miss mo na sya.
Pero ang mas mahirap, sa tuwing magbubuntis ka,wala ka man lang makasama magpunta sa doctor, wala man lang mag-aalaga sayo at ibigay ang mga pagkain na pinaglilihian mo, wala man lang sasama sayong bumili ng mga gamit ng sanggol na nasa sinapupunan mo at hanggang sa magluwal ka sa anak nyo ay wala siya sa tabi mo. Dadanasin mong mag-isa, dahil ,WALA SIYA, AT NASA SERBISYO,NASA MALAYO. Hindi mo man lang makausap dahil kasalukuyang nag-ooprate sa kabundukan.

Pero kinakaya mo pa rin ang lahat, kahit mag-isa ka, dahil naniniwala ka sa pagmamahalan niyo sa isat-isa at dahil binubuo nyo ang pangarap nyong dalawa.

Paano kung magkasakit si baby, nasan siya? wala na naman, gustuhin man niyang umuwi pero bawal, dahil meron silang " ORDER" na sinusunod. Isang pagkakamali lang ay puwede na syang matanggal sa kanyang tungkulin at mawala lahat ng pangarap niya.

Pero ang pinakahamahirap sa lahat, kung matukso ang pinakamamahal mong asawa, nakuhang makipagrelasyon sa iba,dahil sa isang dahilan na malayo ka, dahil hindi mo maibibigay kaagad ang gusto nya, dahil malayo kayo sa isat-isa, at may babaeng gustong pumalit sa puwesto mo at inaalagaan sya.
Kahit anong tanong mo sa sarili mo at sa kanya,kung anong naging pagkukulang at pagkakamali mo, sasagutin ka lang ng " SORRY TAO LANG, NAGKAKAMALI, HINDI KO ALAM BAKIT NANGYARI, MAPAPATWAD MO BA AKO"...?
Syempre, dahil mahal mo,at may anak kayo, at ayaw mong masira ang pamliya nyo, patawarin mo, pero ang isang tiwala na nasira ay hindi na maibabalik pa sa dati at ang isang pagmamahal na nababahiran ng isang kasalanan ay hindi na kailanman magiging buo, Paano na kung ang isang babaeng umagaw ng atensyon nya, ay sunod ng sunod sa inyo, guguluhin ang buhay nyo, hanggang masira eto? diba, hindi madali...sobrang sakit, dahil, ang nangyari ay parang isang bangungot na sumusunod sayo at hindi ka pinapatulog ng mahimbing.

Eto pa ang mas masakit, ang malaman sa balita na napatay ang asawa mo sa bakbakan, o kaya inambush, inubduct at pinugutan ng ulo ng mga kalaban o kaya pinaulanan ng bala ang buong katawan . Walang kasing sakit, habambuhay na hinagpis, ineexpect mo na makabalik sa bahay,mayakap, makausap, kailanman ay wala ng panahon, wala ng chance, Sapat ba ang bandila kapalit ng isang buhay, sapat ba ang insurance ,pension o anu pang benipisyo kapalit ng buhay na nalagas. Kailan man ay hindi,kailanman ay hindi matutumbasan ng pera ang buhay ng isang tao.... Kahit sabihin man nilang isang bayani ang asawa mo, kahit nakakagaan sa kalooban mo pero hindi maalis sa sarili mo, na wala na siya,wala na ang pinakamamahal mo, at itataguyod mong mag-isa ang iyung pamilya habambuhay....

Kaya sa lahat ng asawa ng sundalo,kasintahan ,fiance, -kailangan na maintindihan mo ang buhay na pinasok mo at ang trabaho ng kabiyak mo,kailangan magpakatatag tayo para sa ating mga pangarap, sa pagmamahal at pagsupurta sa ating minamahal na kawal, kung kinakailangan na dodoblehin natin ang ating sarili para iparamdam sa kanila ang ating pagmamahal ay gagawin natin, hindi lang sila kukunin satin, lalo na sa mga taong,gustong agawin ang mga bagay na pagmamay-ari na natin.

At sa lahat ng sundalo at mga taong nagseserbisyo sa gobyerno. Alagaan niyo sana ang inyong mga sarili at mahalin ang inyung mga asawa, mga taong andiyan para kayoy damayan hanggang kamatayan. Mangingibabaw nawa ang pagmamahalan, pagkakaintindihan, pagtitiwala, pagpakumbaba at pananalig sa Diyos sa puso ng bawat isa...

KUNG NAINTINDIHAN MO, PWEDE MONG ISHARE SA MGA KAKILALA MO PARA MAINTINDIHAN KA DIN NILA.

SALUTE TO MILITARY WIVES and MILITARY SWEETHEARTS WHO STAND BESIDE THEIR SOLDIER....

No comments:

Post a Comment